Labing-isang taong gulang ako ng mangarap maging manunulat. Isang kritikal na edad para sa akin dahil huling taon na rin ng aking pagkabata. Mahirap mag-isip ng ideya kung anong isusulat. Higit sa lahat, pagkatapos ng taon na 'yon ay simula na ng aking pagbibinata baka naman hindi ko na ma-enjoy ang taong iyon kapag nagpatuloy ako sa pagsusulat. Kaya ngayong sobra na ako sa oras, malamang ito na ang pagkakataon upang ipagpatuloy ko ang aking pagsusulat. Paalala lang, hindi ako propesyonal na manunulat, wag kayong mag-expect na sobrang perfect lahat nag mababasa niyo dito. May pagka-lang bang (language barrier) din ako sa Filipino. Ang layunin ko sa paggawa ng pahinang ito ay upang pagusapan ang nakakatawang karanasan 'di lamang tungkol sa aking buhay kundi sa buhay nating lahat. Ngunit, 'wag ninyong isipin na showbiz ang usapan dito, allowed ang tsismis, huwag lang makakapanira ng iba. Simulan natin ngayon ito. Ako si Anio, ang inyong tagapag-kwento.
Contact
Blog-anio
Ikaw! Maari ka ring maglagay ng sarili mong kwento sa pahinang ito. Maari lang ipadala ang iyong kwento sa e-mail na nasa itaas.
